April 26, 2006
salamat sa inyong lahat sa partisipasyon ninyo sa pagdalaw sa TAHANAN rehab center at maging sa Circle noong byernes at sabado…
pia, salamat sa pagdadala mo ng maraming mga kabataan na tunay naman na nagpamalas ng kanilang talento at kakayahan upang maging maganda ang ating programa sa rehab..
salamat din sa mga ryla awardees..
sa mga bagong voty members na napasabak kaagad at naramdaman kung paano maging tunay na myembro ng organisasyon - resh, purple, camille, eunice…
salamat sa pagbabalik .. carlos at ate chay…. kuya rommel…
salamat sa inyo resty, jem .. sana’y palagi kayong nandiyan
salamat arnie at audrey, patrick na pinsan ni ronald aguirre… natutuwa ako at nakita at naramdaman ninyo ang tunay na misyon ng voty…
salamat choy at lloyd.. sa inyong suporta…
sa kabila ng lahat, alam naman natin na malaking bahagi sa pagsasakatuparan ng proyekto sa simula’t-simula pa lamang si rustom… nawa’y makita natin ang kabutihan sa bawat isa sa halip na ang pagkakamali lamang…
alam ko na marami pa akong nalimutan, paumanhin… ngunit ang mahalaga ay alam namin na tumagos sa inyong puso ang proyekto at nauunawaan nating lahat ang napakahalagang aral na naidulot nito sa ating buhay….
marami tayong napasaya at muling nabigyan ng pag-asa.. hindi ba’t tayo rin ay kanilang biniyayaan ng mga ito? na kahit paano’y nanumbalik ang ating tiwala sa ating kapwa at sa Lumikha?
hiling ko lamang ay magbigay kayo ng testimonial sa ating programa upang maipublish sa website at maisama sa report… tagalog man o english, ang mahalaga ay taos-puso…
sabi nga ni resty : I thank God for giving me the privilege, through
Voice of the Youth Network, to "immerse" myself
into communities such as what we had today
(Saturday, 22nd of April, 2006). A drug
rehabilitation center in the heart of Payatas. I
started the day (a bit late^_^) expecting to impart
messages to the residents inside the rehab they
call "Tahanan". I was half right. Aside from
imparting inspirational messages to these people,
without no doubt, I, on behalf of all the volunteers
that went there, learned a LOT of lessons. I am
speechless…"
maraming salamat muli.. sana’y magpatuloy ang ating paglilingkod sa kapwa…kahit na walang sapat na pondo o panahon… kahit maraming pagsubok… tayo ay patuloy na magtatagumpay….
ipanalangin ninyo ang agarang paggaling ng inyong kuya emsie na sinisimulan nang singilin ng pagod at puyat (hehehe — hinihika lang naman) at si kuya ion na kagagaling lamang sa trangkaso. maraming pagsubok sa buhay ngunit kayo ang aming napagkukunan ng lakas
nagmamahal,
Kuya Emsie
p.s. sa mga nagnanais ilahok ang voty sa Plenary UNiV (Uniting the Nation in Virtue) seminar/workshop sa Mayo… maaaring alamin ninyo ang mga reglamento (requirements) at makipag-ugnayan sa mga organizers… dahil medyo nahihirapan akong magtrabaho sa aking kalagayan… salamat po…