Bahandi 2nd Night of Poetry
May 20, 2006Sina Raul Funilas III at Michael Kho Lim ang itinanghal na mga makata
ng gabi noong Mayo 4, 2006 sa Talinghaga sa Tag-init, unang gabi ng
tula sa Bahandi, isang organic restaurant sa Nakpil cor. Agoncillo,
Malate, Maynila. Ang kanilang tulang "Ang Matakot sa Pungos" (RFIII)
at "Kaharian sa Boracay" (MKL) ang napili ni G. Alvin Gesmundo, isa sa
mga may-ari ng Bahandi.
Ang susunod na gabi ng tula sa Bahandi sa 1 Hunyo 2006. School days
ang paksa ng mga tulang babasahin/itatanghal at isasama sa mini
literary folio na ipamimigay din sa gabing iyon. Para sa detalye,
magtext o tumawag kay Bebang Siy sa 0919-3175708 o mag-email sa
bebang_ej@yahoo.com. Bukas ang poetry night sa lahat ng nais sumali!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








